Wednesday, September 30, 2015

8:00 AM AND BEYOND





Isang umaga
Ako’y papasok na sa opisina
Sa shuttle na nasakyan
Napansin ika’y naroon pala

Nakikita ka sa trabaho
Bilang ordinaryong empleyado
Pero nang makasabay ulit kita
Ang dating balewala ay tila nabago sa “hala?”

Sarili ko’y nagtataka
Noong una, tila ako’y naiinis
Hanggang sa ako ay nahiya
Dahil pagkakasabay natin, naulit ng ilang beses

Sa mga pagkakataon na iyon
Naging pamilyar ka na sa akin
Masungit ang aking first impression
Kaya pagtataka’y ‘di ko na pinansin

Dumating ang isang beses na sabay ulit tayo
Magkasunod sa pagpasok; parehong binuksan ang pinto
Nagkadikit ang ating mga braso
May spark, and in my mind “oh no! ano ito?”

Aking naramdaman ay walang mapaglagyan
Kaya’t agad naghanap ng mapagsasabihan
Pagkatuwa’y aking naihayag
Pero pinipigil ang sarili, sabi ko, ito’y wala lang

Dumating ang pagkakataon na tuwing lalabas
Hinahanap na kita
Checking kung ika’y nasa iyong lamesa
Mas lalo na kung wala ka

Minsan ika’y nagpi-print, ako nama’y naglalakad
Tayo ay nagkatinginan
Kumabog ang aking dibdib at biglang kinabahan
Ano yun at bakit? Oh my God!

Ako nga’y naguguluhan
‘Pag nariyan ka, kaba ang nararamdaman
Hinahanap naman kung ‘di masilayan
Basta alam kong ako’y nasisiyahan

Sa palagay ko, ako’y natutuwa lamang sa’yo
Kasi ‘pag wala sa office, ‘di ko naiisip ito
May nagsabi, applicable sa akin ang isang linya ng kanta
“Bakit kaya nangangamba, sa tuwing ika’y nakikita?” TAMMMMAAAA!

No comments:

Post a Comment