Sa mundo ko na gawain at tanawin ay nakakasawa
Dumating ang isang
bagong mukha
Na may kawangis
pero 'di ko maalala
Pumukaw sa interes
at atensyon ko ay kinuha
Sa dakong aking
pinuntahan
Upang lamnan ang
aking kumakalam na tiyan
Pero maging puso't
kaluluwa ko ay napunan
Dahil naroon ka't
unang nasilayan
Dahil sa 'di ka
matitigan
Humanap ako ng
iyong larawan
Ngunit nang 'di
sapat ang natagpuan
Pa-sulyap-sulyap
ang sinubukan
Tuwing lalakad
patungo sa talon
Upang pawiin ang
uhaw
Di ko mapigilang
lumingon
Para tignan ang
taglay mong tanglaw
Ilang beses
nag-krus ang ating landas
Minsan ika'y
nagmamadali na tila umiiwas
Minsan nama'y
nalanghap ang iyong mabangong samyo
Ngunit mas madalas
na magulat at mapatigil sa paghinga ko
Binalikan ko ang
mga kanta
Na nasa aking
alaala
Upang hanapin kung
ano ang tutugma
Sa aking nadarama
Nilunod ko ang
aking sarili sa iba't ibang awitin
Kakaibang saya at
pagbabago sa akin ay napansin
Bumuo ako ng
mga tagpo at ideya tungkol sa'ting dalawa
Noon ay aking
itinatanggi, pero inamin ko na din na gusto kita
Nang malaman ko
ang ilang piraso ng iyong katauhan
Nabatid kong dapat
nang itigil ang aking kahibangan
Pero naisip kong
pagtigil ay 'di dapat sapilitan
Kailangan munang
tanggapin, aminin at sabihing lilipas at dadaan lamang
Tila isa kang
pagsusulit para sa akin
Na sumubok sa
kaalaman ko sa aking pagkatao
'Di sigurado kung
dinulot ay pagkilala o pagkalito
Masarap at masaya
kahit kasalanan man maituturing
Dapat nang itigil
itong aking nadarama
'Pagkat sa alam
kong ito'y mali at kakaiba
'Di tayo
magka-antas at ika'y may kabiyak na
Higit sa lahat,
tayo ay magkatulad pa
Pinagdadaanan ko'y
walang mapagsabihan
Kaya sa pagsulat
nito ibinuhos ang lahat
Baka sakaling
matapos na at damdamin ay maibsan
Kaysa ang dibdib
at isip ay sumambulat
Sabi nila, 'di mo
malalaman kung 'di susubukan
Pero ayoko dahil
natimbang at alam kong ito'y 'di tama
Kaya't pagtingin
sayo'y sa dasal na lang idadaan
Na sa susunod kong
buhay, ika'y makilala at tayo ang para sa isa't isa
P.S.
Kaya nais ko nang
mawala ang pagtingin sa'yo
Sapagkat
ako'ynapapagod na din
Isip ako ng isip
sa'yo hanggang sa magulo't malito
Samantalang ako'y
'di mo man lang kilala at 'di napapansin
No comments:
Post a Comment