Friday, August 12, 2016

What I just realized

Hey you! Yes, you! OO, ikaw na nagsusulat ng blog entry na ito. Pwede bang makinig or basahin mo itong sasabihin ko sa iyo?

Kelan ka ba matututo? Kelan ka ba madadala? Kelan ka ba titigil? Kung kelan wasak ka? Kapag nasaktan ka na ng sobra? Huwag mo nang antayin na dumating yung pagkakataon na iyon. Ngayon pa lang, ihinto mo na ang lahat ng pantasya at pangangarap mo? Please?! Hindi pa ba sapat ang mga disappointments mo dahil sa pagiging super assuming at napaka-creative ng imagination mo?

Kelan ka ba magigising sa katotohanan na ang isang tulad mo ay hindi hahangarin / gugustuhin / mamahalin ng isang tao na gaya ng mga pinapangarap mo? Na hindi sapat ang natitignan, nalilingon o napapansin ka lang para masabi mong may interes sa iyo ang isang tao? TANDAAN, madali ang mapansin, pero hindi basta-basta ang mahalin.

Napapa-isip tuloy ako sa iyo. Ano ba ang hanap mo? Atensyon o tunay na pag-ibig? Ano ka ba naman teh, itigil mo na iyan ha. Hindi ka ba napapagod sa pag-aksaya ng pagtingin at emosyon sa mga maling tao?

Hindi ba't ikaw na ang may sabi na kapag ang isang tao ay gumugol ng effort at i-pursue ka despite of all hindrances, yun ang taong worthy.

Hindi ka naman makati, masyado ka lang maharot at marupok.

Kahinaan mo ang mata mo. So vulnerable. Matitigan lang, titibok na agad ang puso ng kakaiba? Letche!

Saturday, November 07, 2015

LOVE YOURSELF FIRST




Reflect, know yourself and be confident.

You may change because of someone or something, but always do it for yourself.

Love yourself first before you love someone, so you can give what you have.


Saturday, October 10, 2015

MY MINIATURE PHILIPPINE COOKWARE COLLECTION




Someone told me that I should also create a blog post about one of my interests, miniature items. So that the essence of my blog's name can be fulfilled. Now here it is :)

For my first entry about miniature, i decided to feature my Philippine Cookware collection because I got all of these with the money I earned (yes, my salary!).

Now, let me introduce each piece that I have.

By the way, I placed an apple (not real) to emphasize how small each replica is.

"KALDERO"

This is where Filipinos cook rice. Household name for this is "saingan".

"KASEROLA"

Where viands with soup or sauce are being cooked and stored. This is the common thing in Filipino Eateries or karinderya.

"KAWALI"

Used for frying and sauteing.

"TALYASI"

Wok for the Chinese. This is the larger version of Kawali. Commonly used during preparation for Filipino fiestas for large scale cooking for "handaan".




 "STEAMER"

As the name suggests, used for steaming like puto and leche flan.

"LIYANERA"

Molder for a dessert called Leche Flan

"BATYA"

As called by the manufacturer. This is where prepared ingredients are temporarily placed before cooking.

"SIYANSE AT SANDOK"

Siyanse (left), turner in English, is used for frying, paired with Kawali. Sandok (right) is laddle used for mixing ingredients being cooked.

"ULINGAN"

The Philippine version of stove. Charcoal or "uling", its root word, is used as the fuel or source of fire.


All definitions were searched in the internet. Any corrections are very welcome :)

Hope you liked my collection, the way that I do. Each pieces are uniquely cute and amazing in my eyes, sorry not sorry. :P

Disclaimer: All of the items are miniature replicas, and are not intended as toys.
All are manufactured by GRAND EAGLE.




Wednesday, September 30, 2015

8:00 AM AND BEYOND





Isang umaga
Ako’y papasok na sa opisina
Sa shuttle na nasakyan
Napansin ika’y naroon pala

Nakikita ka sa trabaho
Bilang ordinaryong empleyado
Pero nang makasabay ulit kita
Ang dating balewala ay tila nabago sa “hala?”

Sarili ko’y nagtataka
Noong una, tila ako’y naiinis
Hanggang sa ako ay nahiya
Dahil pagkakasabay natin, naulit ng ilang beses

Sa mga pagkakataon na iyon
Naging pamilyar ka na sa akin
Masungit ang aking first impression
Kaya pagtataka’y ‘di ko na pinansin

Dumating ang isang beses na sabay ulit tayo
Magkasunod sa pagpasok; parehong binuksan ang pinto
Nagkadikit ang ating mga braso
May spark, and in my mind “oh no! ano ito?”

Aking naramdaman ay walang mapaglagyan
Kaya’t agad naghanap ng mapagsasabihan
Pagkatuwa’y aking naihayag
Pero pinipigil ang sarili, sabi ko, ito’y wala lang

Dumating ang pagkakataon na tuwing lalabas
Hinahanap na kita
Checking kung ika’y nasa iyong lamesa
Mas lalo na kung wala ka

Minsan ika’y nagpi-print, ako nama’y naglalakad
Tayo ay nagkatinginan
Kumabog ang aking dibdib at biglang kinabahan
Ano yun at bakit? Oh my God!

Ako nga’y naguguluhan
‘Pag nariyan ka, kaba ang nararamdaman
Hinahanap naman kung ‘di masilayan
Basta alam kong ako’y nasisiyahan

Sa palagay ko, ako’y natutuwa lamang sa’yo
Kasi ‘pag wala sa office, ‘di ko naiisip ito
May nagsabi, applicable sa akin ang isang linya ng kanta
“Bakit kaya nangangamba, sa tuwing ika’y nakikita?” TAMMMMAAAA!

Tuesday, August 25, 2015

#VinDiCated


Sa mundo ko na gawain at tanawin ay nakakasawa
Dumating ang isang bagong mukha
Na may kawangis pero 'di ko maalala
Pumukaw sa interes at atensyon ko ay kinuha

Sa dakong aking pinuntahan
Upang lamnan ang aking kumakalam na tiyan
Pero maging puso't kaluluwa ko ay napunan
Dahil naroon ka't unang nasilayan

Dahil sa 'di ka matitigan
Humanap ako ng iyong larawan
Ngunit nang 'di sapat ang natagpuan
Pa-sulyap-sulyap ang sinubukan

Tuwing lalakad patungo sa talon
Upang pawiin ang uhaw
Di ko mapigilang lumingon
Para tignan ang taglay mong tanglaw

Ilang beses nag-krus ang ating landas
Minsan ika'y nagmamadali na tila umiiwas
Minsan nama'y nalanghap ang iyong mabangong samyo
Ngunit mas madalas na magulat at mapatigil sa paghinga ko

Binalikan ko ang mga kanta
Na nasa aking alaala
Upang hanapin kung ano ang tutugma
Sa aking nadarama

Nilunod ko ang aking sarili sa iba't ibang awitin
Kakaibang saya at pagbabago sa akin ay napansin
Bumuo ako ng mga tagpo at ideya tungkol sa'ting dalawa
Noon ay aking itinatanggi, pero inamin ko na din na gusto kita

Nang malaman ko ang ilang piraso ng iyong katauhan
Nabatid kong dapat nang itigil ang aking kahibangan
Pero naisip kong pagtigil ay 'di dapat sapilitan
Kailangan munang tanggapin, aminin at sabihing lilipas at dadaan lamang

Tila isa kang pagsusulit para sa akin
Na sumubok sa kaalaman ko sa aking pagkatao
'Di sigurado kung dinulot ay pagkilala o pagkalito
Masarap at masaya kahit kasalanan man maituturing

Dapat nang itigil itong aking nadarama
'Pagkat sa alam kong ito'y mali at kakaiba
'Di tayo magka-antas at ika'y may kabiyak na
Higit sa lahat, tayo ay magkatulad pa

Pinagdadaanan ko'y walang mapagsabihan
Kaya sa pagsulat nito ibinuhos ang lahat
Baka sakaling matapos na at damdamin ay maibsan
Kaysa ang dibdib at isip ay sumambulat

Sabi nila, 'di mo malalaman kung 'di susubukan
Pero ayoko dahil natimbang at alam kong ito'y 'di tama
Kaya't pagtingin sayo'y sa dasal na lang idadaan
Na sa susunod kong buhay, ika'y makilala at tayo ang para sa isa't isa

P.S.
Kaya nais ko nang mawala ang pagtingin sa'yo
Sapagkat ako'ynapapagod na din
Isip ako ng isip sa'yo hanggang sa magulo't malito

Samantalang ako'y 'di mo man lang kilala at 'di napapansin